Unang Pahina
| Tungkol sa site |
Balita |
Sitemap |
Email
Ang Panlilinlang ni Jesus
Basahin ang Pahinang ito sa
Ingles.
TUNGKOL SA KASALANAN
Inihayag noong ika-22 ng Agosto 2005
Ang sabi ng mga relihiyon ay iniligtas tayo ni Jesus
sa ating mga kasalanan at sa sa
pamamagitan ng pagbibinyag ng tubig ang mga kasalanan natin ay inalis.
Ang tanong natin, kung ang pagbibinyag sa pamamagitan ng tubig ay pinapayagan ng
Dios upang mag-alis ng kasalanan, bakit pinahintulutan ng Dios na mamatay si
Juan Bautista sa hiling ng isang mananayaw ng hari?
At
saan nasusulat sa mga sinalita ng mga propeta sa Banal na Aklat ang tungkol sa
pagbabautismo? Saan kinuha ni Juan Bautista ang aral tungkol dito?
Kung tunay ngang tinubos tayo ni Jesus sa ating mga kasalanan, bakit kailangan
pa nating pumunta sa mga templo o simbahan at nanghihingi pa rin ng kapatawaran
mula sa Dios? Kailangan pa bang ipaalala ng paulit ulit ang ating mga kasalanan?
Hahayaan pa ba natin na magpatuloy ang mga relihiyon sa paglilinlang sa atin?
Isa
sa saligang aral o doktrina ng mga relihiyon ay ang pagpapatawad ng mga
kasalanan; na kung tatanggapin daw natin si Jesus bilang sariling tagapagligtas,
ang ating mga kasalanan ay patatawarin daw ng Dios.
Nguni’t ano ang tunay na kautusan ng Dios tungkol sa kasalanan?
Ano ang isasaysay sa atin ni Maestro Evangelista tungkol dito?
Hinggil sa "Unang Kasalanan"
Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin
dahil sa mga magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling
kasalanan.
Deuteronomio 24:16 (TAB)
“bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan” – ang bawat isa na nagkasala ay mananagot sa sarili niyang kasalanan. Hindi paparusahan ang isa sa
kasalanan ng iba. Magpatuloy tayo sa pagbasa:
Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi,
Anong ibig ninyong sabihin na inyong sinasambit ang kawikaang ito tungkol sa
lupain ng Israel, na sinasabi, Kinain ng mga magulang ang mga maasim na ubas, at
ang mga ngipin ng mga anak ay nagsisipangilo?
Ezekiel 18:1-2 (TAB)
Ito ang aral ng "unang kasalanan" o ang
“original sin”, nguni’t ito ay ukol lamang sa bayan ng Israel,
hindi sa lahat ng mga tao.
At ano ang gagawin ng Dios sa pagkakataong ito?
Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi na ninyo sasambitin pa ang kawikaang
ito sa Israel.
Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang
kaluluwa ng anak ay akin: ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay.
Ezekiel 18:3-4 (TAB)
Bawat isa ay mananagot sa sarili niyang kasalanan. Basahin natin ang paglilinaw:
Ang kaluluwa na nagkakasala, mamamatay: ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan
ng ama, o magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak; ang katuwiran ng matuwid
ay sasa kaniya, at ang kasamaan ng masama ay sasa kaniya.
Ezekiel 18:20 (TAB)
Tayo ang mananagot sa ating sariling kasalanan sa Dios at sa ibang tao.
Kailangan pa ba natin si Jesus upang tayo ay mapatawad sa ating mga kasalanan?
Nguni't kung ang masama ay humiwalay sa kaniyang lahat na kasalanan na kaniyang
nagawa, at ingatan ang lahat na aking mga palatuntunan, at gumawa ng tapat at
matuwid, siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay.
Ezekiel 18:21 (TAB)
Hindi natin kailangan ang iba, kahit na si Jesus.
Walang mamamagitan.
Kailangan lang
natin na magsisi, lumayo sa kasamaan at manumbalik at sumunod sa Dios.
At ayon sa mga relihiyon na nakalista ang ating mga kasalanan sa langit, totoo
ba ito?
Wala sa kaniyang mga pagsalangsang na nagawa niya na aalalahanin laban sa
kaniya: sa kaniyang katuwiran na kaniyang ginawa ay mabubuhay siya.
Ezekiel 18:22 (TAB)
Wala, kakalimutan ng Dios ang mga nagawa nating kasalanan at papatawarin tayo;
bubuhayin tayo upang magbago ng ating mga lakad.
Magsisi, magsibalik sa Dios at sundin ang kanyang mga kautusan. Ito ang
pagkakataong ibinibigay sa atin ng Dios na magbago, upang mabuhay at sumagana sa
mundong ito.
Papaano ang mga matuwid, at kung sila ay makagawa ng
kasalanan, ano ang gagawin sa kanila ng Dios?
Pagka ang matuwid ay humihiwalay sa kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan,
at kinamamatayan; sa kasamaan na kaniyang nagawa ay mamamatay siya.
Ezekiel 18:26 (TAB)
Sila rin ay mapapabilang sa kahatulan at kaparusahan na ibinibigay sa mga
makasalanan, sa "kasamaan" na ginawa sa gayon siya mamamatay.
Si
Jesus ay ipinako sa krus at sa kanyang labis na paghihirap, sumigaw siya “Dios
ko, dios ko, Bakit mo ako pinabayaan?” Ang tanong ni Maestro Evangelista,
humihingi ba si Jesus ng kapatawaran mula sa Dios o sinisi pa niya ang Dios? "Nagsisisi"
o "naninisi?" Kaya hanggang sa huling hininga ni Jesus, hindi siya sinagot ng
Dios. Siya ay pinabayaan – dahil ito ang kabayaran sa nagawa niyang “kasamaan.”
Nais ba ng Dios na ang mga masama ay mamatay sa
kanya-kanyang mga kasalanan?
Sapagka't wala akong kasayahan sa kamatayan niya na namamatay, sabi ng
Panginoong Dios: kaya't magsipagbalik-loob kayo, at kayo'y mangabuhay.
Ezekiel 18:32 (TAB)
Nais ng Dios na maligtas ang lahat. Basta't
magsisi at magbago.
"magsipagbalik-loob kayo, at kayo'y mangabuhay"
- ito na ang panawagan ng Dios
sa ating lahat.
May pagkakataon ba na ang isang tao ng Dios ay nagtangkang tubusin ang kasalanan
ng kanyang bayan sa Dios?
Ang sabi ni Maestro Evangelista basahin natin ang kasaysayan ni Moses:
At nangyari ng kinabukasan, na sinabi ni Moises sa bayan, Kayo'y nagkasala ng
malaking kasalanan: at ngayo'y sasampahin ko ang Panginoon; marahil ay aking
matutubos ang inyong kasalanan.
At bumalik si Moises sa Panginoon, at nagsabi, Oh, ang bayang ito'y nagkasala ng
malaking kasalanan, at gumawa sila ng mga dios na ginto.
Gayon ma'y ngayon, kung iyong ipatatawad ang kanilang kasalanan; at kung hindi,
ay alisin mo ako, isinasamo ko sa iyo, sa iyong aklat na sinulat mo.
Exodo 32:30-32 (TAB)
Tinangkang tubusin ni Moses ang kasalanan ng bayan niya.
Matindi ang pakiusap ni Moses, na kahit ang buhay niya ay iaalay niya sa
ikatutubos ng mga kasalanan nila. Nguni’t ano ang sabi ng Dios sa kanya?
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ang magkasala laban sa akin ay siya kong
aalisin sa aking aklat.
At ngayo'y yumaon ka, iyong patnubayan ang bayan sa dakong aking sinalita sa
iyo: narito, ang aking anghel ay magpapauna sa iyo: gayon ma'y sa araw na aking
dalawin sila ay aking dadalawin ang kanilang kasalanang ipinagkasala nila.
Exodo 32:33-34 (TAB)
Hindi pinayagan ng Dios si Moses na tubusin ang kasalanan ng kanyang bayan, kung
sino ang nagkasala ay siyang mananagot. May panahon ng paghahatol, sabi ng
Dios, magpaparating siya ng “anghel” kapag ang panahon ay malapit na.
Kung noon si Moses ay hindi pinayagan ng Dios na tubusin ang kasalanan ng kanyang
bayan, papaano pa kaya kay Jesus? Ang aral ng mga relihiyon na naligtas ni Jesus
ang mundo sa kasalanan ay isang kasinungalingan.
Ang sabi ni Maestro Evangelista, ang aral na ito ay nagpapaliwanag na ang bawa't tao ay
dapat humingi sa Dios ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan. Walang makakatubos o makakapamagitan sa
kasalanan ng kanyang kapwa sa Dios.
At kung ang mga relihiyon ay magpupumilit sa
kanilang doktrina na nailigtas ni Jesus ang mundo sa
kasalanan; ating basahin muli kung ano ang nasusulat tungkol sa mga
tagapamagitan. Ang mga relihiyon ay nangangaral na mag-isang inalis ni
Jesus ang kasalanan sa mundo, nguni’t ano ang Salita ng Dios tungkol dito?
At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,
Anak ng tao, pagka ang isang lupain ay nagkasala laban sa akin ng pagsalangsang,
at aking iniunat ang aking kamay roon, at aking binali ang tungkod ng tinapay
niyaon, at nagsugo ako ng kagutom doon, at aking inihiwalay roon ang tao at
hayop;
Bagaman ang tatlong lalaking ito, na si Noe, si Daniel at si Job, ay nangandoon,
ang kanila lamang ililigtas ay ang kanilang sariling mga kaluluwa, sa
pamamagitan ng kanilang katuwiran, sabi ng Panginoong Dios.
Ezekiel 14:12-14 (TAB)
Ang sabi ng Dios: “Bagaman ang tatlong lalaking ito, na si Noe, si Daniel at si
Job” – ay walang kapangyarihan magligtas ng iba, papaano pa kaya si Jesus!
Dinadaya tayo ng mga relihiyon.
Bumalik sa Itaas.
Magpatuloy sa:
Ang Pamamaraan ng Panlilinlang ni Satanas
Ang pahinang ito ay huling inayos noong:
Wednesday May 28, 2014
|